2 Pakinggan ninyo ang tinig ng Diyosmula sa bibig niya'y nanggagaling ang kulog.
3 Ang kidlat ay kanyang pinaguguhit sa kalangitan,mula sa isang panig ng daigdig hanggang sa kasuluk-sulukan.
4 Tinig niya'y umuugong, parang dagundong ng kulog,ang pagguhit ng kidlat ay hindi malagut-lagot.
5 Sa isang salita niya'y may nangyayaring kababalaghan,kahanga-hangang bagay na di natin mauunawaan.
6 Pinauulan niya ng yelo sa ibabaw ng daigdig,ibinubuhos niya sa lupa ang ulang walang patid.
7 Pinahihinto niya ang tao sa kanilang gawain,upang malaman nila kung ano ng kaya niyang gawin.
8 Ang maiilap na hayop ay nasa kanilang mga taguan.