5 Sa isang salita niya'y may nangyayaring kababalaghan,kahanga-hangang bagay na di natin mauunawaan.
6 Pinauulan niya ng yelo sa ibabaw ng daigdig,ibinubuhos niya sa lupa ang ulang walang patid.
7 Pinahihinto niya ang tao sa kanilang gawain,upang malaman nila kung ano ng kaya niyang gawin.
8 Ang maiilap na hayop ay nasa kanilang mga taguan.
9 Ang malalakas na hangi'y sa timog nagmumula,at ang malamig na simoy ay galing sa hilaga.
10 Sa hininga ng Diyos nabubuo itong tubig,nagiging yelong matigas at napakalamig.
11 Pinabibigat niya itong mga ulap, mula rito'y pinaguguhit ang mga kidlat.