4 Ang kanilang mga anak doon lumalaki sa parangat kapag malaki na ay tuluyang lumilisan.
5 “Sino ba ang nagbibigay laya sa mga asno?Sa asnong maiilap, ang nagpalaya ay sino?
6 Tirahang ibinigay ko ay ang kaparangan,at doon sa maalat na kapatagan.
7 Sila'y lumalayo sa lunsod na maingay,walang makapagpaamo at hindi mautusan.
8 Ang pastulan nila'y ang kaburulan,hinahanap nila'y sariwang damuhan.
9 “Ang mailap na toro iyo kayang mapagtrabaho?Maitali mo kaya siya isang gabi sa iyong kuwadra?
10 Matatalian mo kaya siya ng lubid upang sa pag-aararo ay magamit,at sa paghila ng suyod sa iyong mga bukid?