2 Matatalian mo kaya ng lubid ang ilong nito?Tatagusan kaya ng kawit ang mga panga nito?
3 Siya kaya ay lumapit at lumuhod sa harap mo,magsalita nang malumanay at magmakaawa sa iyo?
4 Siya kaya'y makiusap at ikaw ay pangakuan,na sa habang buhay ikaw ay paglingkuran?
5 Siya kaya'y parang ibong tatalian at lalaruinupang mga babaing lingkod mo ay aliwin?
6 Tawaran kaya siya ng mga mamimili,paghatian kaya siya upang maipagbili?
7 Tablan kaya ang makapal niyang balat,sa ulo kaya niya'y tumagos ang matulis na sibat?
8 Hawakan mo siya kahit na minsan lang,hindi mo na uulitin dahil sa inyong paglalaban.