6 Tawaran kaya siya ng mga mamimili,paghatian kaya siya upang maipagbili?
7 Tablan kaya ang makapal niyang balat,sa ulo kaya niya'y tumagos ang matulis na sibat?
8 Hawakan mo siya kahit na minsan lang,hindi mo na uulitin dahil sa inyong paglalaban.
9 “Ang sinumang sa kanya'y makakakita,sa lupa'y mabubuwal, nawawalan ng pag-asa.
10 Kapag siya'y ginambala, ubod siya ng bagsik.Sa kanyang harapa'y walang nangangahas lumapit.
11 Sinong lulusob sa kanya at hindi mamamatay?Walang makakagawa nito sa buong sanlibutan.
12 “Ang kanyang mga binti ay malaki at matatag,at walang kaparis ang taglay nitong lakas.