12 Ang mga huling araw ni Job ay higit na pinagpala ni Yahweh. Binigyan niya ito ng labing-apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, dalawang libong baka at sanlibong inahing asno.
13 Nagkaroon pa si Job ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.
14 Ang pangalan ng mga babae ay Jemima, Kezia at Keren-hapuc.
15 Ang mga anak na babae ni Job ang pinakamaganda sa buong lupain. Pinamanahan din niya ang mga ito, tulad ng mga anak na lalaki.
16 Si Job ay nabuhay pa nang sandaan at apatnapung taon. Inabutan pa siya ng kanyang mga apo sa ikaapat na salinlahi.
17 Matandang-matanda na siya nang mamatay.