4 Ako'y pinana ng Diyos na Makapangyarihan,lason ng palaso'y kumalat sa aking katawan,galit ng Diyos, sa akin ay inihanay.
5 Walang angal ang asno kung sa damo ay sagana,at ang baka ay tahimik kung may dayaming nginunguya.
6 Ang pagkaing walang asin, may sarap bang idudulot?Mayroon bang lasa ang puti ng itlog?
7 Sa lahat ng iyan ay nawala ang aking gana,sapagkat kung kainin ko man, pilit na ring isusuka.
8 “Ibigay sana ng Diyos ang aking hinihiling,sana'y ipagkaloob niya ang aking hangarin.
9 Higit ko pang nanaisin at aking ikagagalak ang buhay na taglay ko ay bigyan na niya ng wakas.
10 Kapag nangyari ito, ako'y liligaya,sa gitna ng pagdurusa, lulundag sa saya.Alam kong banal ang Diyos,kaya di ko sinusuway, kanyang mga utos.