14 Maaaring lingapin kayong muli ni Yahweh na inyong Diyosat bigyan kayo ng masaganang ani.Kung magkagayon, mahahandugan ninyo siya ng handog na pagkaing butil at alak.
15 Hipan ninyo ang trumpeta sa ibabaw ng Bundok ng Zion!Tipunin ninyo ang mga tao at ipag-utos ninyo na mag-ayuno ang lahat!
16 Tawagin ninyo ang mga taopara sa isang banal na pagtitipon.Tipunin ninyo ang lahat, matatanda at bata,pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal.
17 Mga pari, tumayo kayosa pagitan ng altar at ng pasukan ng Templo,manangis kayo't manalangin nang ganito:“Mahabag ka sa iyong bayan, O Yahweh!Huwag mong hayaang kami'y hamakin at pagtawanan ng ibang mga bansaat tanungin, ‘Nasaan ang inyong Diyos?’”
18 Pagkatapos, ipinakita niya ang malasakit niya sa lupain,at naawa siya sa kanyang bayan.
19 Ganito ang kanyang tugon:“Bibigyan ko kayo ngayon ng butil, alak at langis,upang kayo'y mabusog.Hindi na kayo hahamakin ng ibang bansa.
20 Paaalisin ko na ang mga hukbong waring buhat sa hilaga;itataboy ko ang iba sa disyerto.At ang mga pangunahing hanay nila ay itataboy ko naman sa dagat sa silangan;sa dagat sa hilaga naman ang nasa hulihan.Aalingasaw ang baho ng kanilang mga bangkay.Lilipulin ko sila dahil sa lahat ng ginawa nila sa inyo.”