21 “Lupain, huwag kayong matakot;kayo ay magsaya't lubos na magalakdahil sa lahat ng ginawa ni Yahweh para sa inyo.”
22 Mga hayop, huwag kayong matakot,luntian na ang mga pastulan.Namumunga na ang mga punongkahoy,hitik na sa bunga ang igos at ang ubas.
23 “Magalak kayo, mga taga-Zion!Matuwa kayo dahil sa ginawa ni Yahweh na inyong Diyos.Pinaulan niya nang sapat sa taglagas,at gayundin sa taglamig;tulad ng dati, uulan din sa tagsibol.
24 Mapupuno ng ani ang mga giikan;aapaw ang alak at langis sa mga pisaan.
25 Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyonang pinsalain ng katakut-takot na balang ang inyong mga pananim.Ako ang nagpadala ng hukbong ito laban sa inyo.
26 Magkakaroon kayo ngayon ng saganang pagkain at kayo'y mabubusog.Pupurihin ninyo si Yahweh na inyong Diyos,na gumawa ng mga kahanga-hangang bagay para sa inyo.Hindi na muli pang kukutyain ang aking bayan.
27 Kaya nga malalaman ninyo na ako'y sumasainyoat akong si Yahweh lamang ang inyong Diyos.Hindi na muling hahamakin ang aking bayan.