5 Kapag dumaraan sila sa ibabaw ng mga bundok,ang ingay nila ay parang rumaragasang karwahe,parang tuyong damo na sinusunog.Nakahanay sila, tulad ng isang hukbo na handang makipagdigma.
6 Habang sila'y papalapit, nasisindak ang lahat;namumutla sa takot ang bawat isa.
7 Sumasalakay sila, gaya ng mga mandirigma;inaakyat nila ang mga pader gaya ng mga kawal.Walang lingun-lingon silang sumusugod.Walang lumilihis sa landas na tinatahak.
8 Lumulusot sila sa mga tanggulanat walang makakapigil sa kanila.
9 Sinasalakay nila ang lunsod,inaakyat ang mga pader;pinapasok ang mga bahay,lumulusot sila sa mga bintana, gaya ng mga magnanakaw.
10 Sa pagdaan nila'y nayayanig ang lupa;at umuuga ang langit.Nagdidilim ang araw at ang buwan,at pati mga bitui'y ayaw nang magliwanag.
11 Parang kulog ang tinig ni Yahweh, kung mag-utos sa kanyang hukbo.Ang mga pangkat na tumatalima sa kanyaay marami at malalakas.Nakakapangilabot ang araw ni Yahweh!Sino ang makakatagal dito?