1 “Pumanatag ka,” sabi ni Holofernes. “Huwag kang matakot. Hindi ko sinasaktan ang sinumang gustong maglingkod kay Nebucadnezar, na hari ng sangkalupaan.
2 Hindi ko pag-iisipang digmain ang mga kababayan mong nakatira sa kaburulan kung di nila ako hinamak. Sila na rin ang nag-udyok sa akin na gawin ito.
3 Ngayon, sabihin mo kung bakit ka humiwalay sa kanila at umaanib sa amin. Nailigtas mo ang iyong buhay sa iyong pagparito. Pumanatag ka. Ligtas ka na sa panganib.
4 Walang sinumang mananakit sa iyo rito. Papakitunguhan ka tulad ng mga nasasakupan ng aking panginoon na si Haring Nebucadnezar.”