11 Ang bayang Israel, sumigaw sa tuwa,nahango sa wakas, sa buhay na abâ.Ang mga kaaway ay pawang nangalat,dahilan sa takot, sila'y nagsitakas.
12 Kami ay nagbuhat sa lahing alipin,ngunit ang kaaway, natakot sa amin,maraming napatay nang aming tugisin,ang hukbo ng Diyos, ang kasama namin.
13 “Ako ay aawit ng bagong awitin,ikaw, Panginoong Diyos, aking pupurihin;ang taglay mong lakas, di kayang lupigin.
14 Bayaang maglingkod ang mga nilalang,silang sa utos mo'y nagtamo ng buhay,nang ang ilong nila ay iyong hingahan,kaya itong madla'y dapat kong igalang.
15 Kapag ika'y lumapit, bundok, karagatan,pawang manginginig, hindi mapalagay,maging mga bato'y pawang natutunaw.Ngunit sa sinumang masunuring tunay,ika'y nahahabag, lubos na nagmamahal.
16 Panginoon nati'y lalong nagagalak, sa sinumang taong masunuri't tapat,higit pa sa handog, kahit na anong sarap, na kung sinusunog ay humahalimuyak.
17 Alinmang bansang sa ati'y lumaban,tiyak na hahantong sa kapahamakan.Sila'y hahatulan ng Diyos na Panginoon.Pagsapit ng Araw nitong Paghuhukom;sila'y tutupukin, uod ay lilitaw,tatangis sa dusang walang katapusan.”