15 Kapag ika'y lumapit, bundok, karagatan,pawang manginginig, hindi mapalagay,maging mga bato'y pawang natutunaw.Ngunit sa sinumang masunuring tunay,ika'y nahahabag, lubos na nagmamahal.
16 Panginoon nati'y lalong nagagalak, sa sinumang taong masunuri't tapat,higit pa sa handog, kahit na anong sarap, na kung sinusunog ay humahalimuyak.
17 Alinmang bansang sa ati'y lumaban,tiyak na hahantong sa kapahamakan.Sila'y hahatulan ng Diyos na Panginoon.Pagsapit ng Araw nitong Paghuhukom;sila'y tutupukin, uod ay lilitaw,tatangis sa dusang walang katapusan.”
18 Pagkaraan nito, ang mga tao'y pumunta sa Jerusalem upang sumamba sa Diyos. Nagsipaligo muna sila, saka nag-alay ng mga handog na susunugin, mga kusang-loob na handog at iba pang kaloob.
19 At bilang pag-aalay ng panatang hain sa Diyos, inihandog ni Judith ang lahat ng ari-arian ni Holofernes na ibinigay sa kanya ng mga tao, pati na ang kulambong kinuha niya sa higaan nito.
20 Tumagal ng tatlong buwan ang kanilang pagdiriwang sa Jerusalem, sa harap ng santuwaryo, at si Judith ay nakiisa sa kanila.
21 Nang matapos ang pagdiriwang nagsiuwi na sila. Si Judith nama'y bumalik sa Bethulia at namalagi sa kanyang asyenda. At hanggang sa huling araw ng kanyang buhay, natanyag siya sa buong bansa magmula nang mangyari ang ginawa niyang kabayanihan.