2 Ganito ang awit ni Judith:“Purihin ang Diyos, siya ay awitan,tugtugin ang tamburin, gamitin ang pompiyang,isang bagong awit, siya'y papurihan,siya ay tawagin nang tayo'y tulungan.
3 Siya'y Panginoon, maging ng digmaan.Pinapatigil niya ito, kung kinakailangan;ako'y iniligtas sa mga kalaban,muling ibinalik sa dating tirahan.
4 Mula sa hilaga, mga kabundukan, bumabâ't lumusob ang mga kaaway;hukbong libu-libo ang kasamang kawal,halos ang mga ilog at mga kapatagan,maging mga bundok, lubos na nakalatan.
5 Tinangkang ang bansa natin ay sunugin,mga kabataan hangad ay lipulin;maging mga bata, layon ay durugin,at ang mga dalaga'y kanilang bihagin.
6 Ngunit humadlang ang Panginoon natinbabae'y ginamit, upang sila ay biguin.
7 Ang bayani nila'y nakitil ang buhay,ngunit ang pumatay ay di mga kawal;anak ni Merari, babaing matapang,kagandahan nito ang siyang luminlang.
8 Dahil nga kay Judith, ang bansang Israelkanyang natubos sa pagkaalipin.Hinubad niya ang kasuotang balo,nagsuot ng kasuotang lino,nagpahid ng pabango,naglagay ng mga palamuti.Sa taglay niyang ganda at kagayakan,lubos na naakit ang pinunong kaaway.