6 Ngunit humadlang ang Panginoon natinbabae'y ginamit, upang sila ay biguin.
7 Ang bayani nila'y nakitil ang buhay,ngunit ang pumatay ay di mga kawal;anak ni Merari, babaing matapang,kagandahan nito ang siyang luminlang.
8 Dahil nga kay Judith, ang bansang Israelkanyang natubos sa pagkaalipin.Hinubad niya ang kasuotang balo,nagsuot ng kasuotang lino,nagpahid ng pabango,naglagay ng mga palamuti.Sa taglay niyang ganda at kagayakan,lubos na naakit ang pinunong kaaway.
9 Sandalyas na suot, kay gandang pagmasdan,lalong nagayuma, mabunying heneral,ang naging kapalit nito'y kanyang kamatayan.
10 Sa tapang ni Judith, ang taga-Persia ay namangha,nanginginig ang mga Medo sa kanyang ginawa.
11 Ang bayang Israel, sumigaw sa tuwa,nahango sa wakas, sa buhay na abâ.Ang mga kaaway ay pawang nangalat,dahilan sa takot, sila'y nagsitakas.
12 Kami ay nagbuhat sa lahing alipin,ngunit ang kaaway, natakot sa amin,maraming napatay nang aming tugisin,ang hukbo ng Diyos, ang kasama namin.