12 Tinakpan din nila ng telang sako ang altar at nagkakaisa silang sumamo sa Diyos na iligtas ang kanilang mga anak at asawa sa pagkabihag, gayon din ang kanilang mga lunsod. Idinalangin nila na ang templo'y hindi malapastangan ng mga taong di kumikilala sa Panginoon.
13 At dininig ng Panginoon ang kanilang panalangin; sila'y kinaawaan sa gipit nilang katayuan.Nag-ayuno ng matagal ang buong Juda at Jerusalem at nanatili sa santuwaryo ng Panginoong Makapangyarihan.
14 Si Joakim na pinakapunong pari, ang mga paring humaharap sa Panginoon, at lahat ng naglilingkod sa templo ay nakadamit-panluksa kung nag-aalay ng mga handog na susunugin, mga kusang-loob na handog ng mga tao, at mga handog dahil sa panata.
15 Nilalagyan nila ng abo ang kanilang mga suot na putong sa ulo kung sila'y nananalangin para kalingain ng Panginoon ang buong sambahayan ng Israel.