11 Dinakip nga nila ito, inilabas ng kampo at dinala sa kaburulan sa may bukal sa gawing ibaba ng Bethulia.
12 Nang makita sila ng kalalakihan doon, ang mga ito'y kumuha ng mga sandata at umakyat sa burol at pinaulanan ng mga bato ang mga tauhan ni Holofernes upang hindi makaakyat.
13 Subalit kumubli naman ang mga ito sa isang panig ng burol. Iginapos nila si Aquior saka iniwan sa ibaba ng burol. Pagkatapos, nagbalik sila kay Holofernes.
14 Pagbaba ng mga Israelita, kinalagan nila si Aquior at dinala sa Bethulia, sa harapan ng mga punong-bayan.
15 Kabilang dito sina Uzias na anak ni Mikas na mula sa lipi ni Simeon, si Cabris na anak ni Gotoniel, at si Carmis na anak ni Malquiel.
16 Tinawag ng mga ito ang pinuno ng bayan, maging ang mga kabataan at mga kababaihan. Nagtakbuhan sila upang masaksihan ang magaganap. Nang maiharap na si Aquior, itinanong sa kanya ni Uzias kung ano ang nangyari.
17 Isinalaysay naman niya ang pakikipag-usap niya kay Holofernes, ang mga sinabi niya rito, at kung paanong ipinagmalaki ni Holofernes ang balak gawin sa Israel.