15 Kabilang dito sina Uzias na anak ni Mikas na mula sa lipi ni Simeon, si Cabris na anak ni Gotoniel, at si Carmis na anak ni Malquiel.
16 Tinawag ng mga ito ang pinuno ng bayan, maging ang mga kabataan at mga kababaihan. Nagtakbuhan sila upang masaksihan ang magaganap. Nang maiharap na si Aquior, itinanong sa kanya ni Uzias kung ano ang nangyari.
17 Isinalaysay naman niya ang pakikipag-usap niya kay Holofernes, ang mga sinabi niya rito, at kung paanong ipinagmalaki ni Holofernes ang balak gawin sa Israel.
18 Nang marinig nila ito, ang mga tao'y nagpatirapa bilang pagsamba at pagsamo sa Diyos,
19 “Panginoon at Diyos sa langit, parusahan po ninyo ang kanilang kapalaluan. Kaawaan po ninyo ang inyong bayang niyuyurakan ang dangal. Mahabag po kayo sa amin at tulungan kami.”
20 Paulit-ulit nilang pinasalamatan si Aquior dahil sa kanyang ginawa.
21 Mula roon, siya'y isinama ni Uzias sa bahay nito, at doo'y nagdaos ng isang handaan para sa matatandang pinuno. Magdamag silang nanalangin upang hingin ang tulong ng Diyos ng Israel.