33 Magbantay kayo mamayang gabi sa pintuang-pasukan at ako nama'y lalabas na kasama ang aking lingkod. Bago sumapit ang araw na ipinangako ninyo upang isuko sa ating kaaway ang lunsod na ito, ililigtas ng Panginoon ang bansang Israel sa pamamagitan ko.
34 Subalit huwag ninyong sikapin pang malaman ang aking balak. Hindi ko sasabihin sa inyo hanggang hindi natutupad.”
35 Nang magkagayon, sinabi sa kanya ni Uzias at ng ibang pinunong-bayan, “Lumakad kang taglay ang pagpapala namin. Sumaiyo ang Diyos sa paghihiganting gagawin mo sa ating mga kaaway.”
36 At nilisan nila ang tahanan ng babae at nagbalik sa kanilang lugar.