13 Ang laman-loob at mga paa ay dapat munang hugasan bago ilagay sa altar. Pagkatapos, ang lahat ay susunugin upang ang usok nito'y maging mabangong samyo sa akin.
14 “Kung ibon ang handog na susunugin, ang dadalhin niya'y batu-bato o kalapati.
15 Ibibigay niya ito sa pari upang dalhin sa altar. Pipilipitin ng pari ang leeg ng ibon at ang dugo'y patutuluin sa paligid ng altar.
16 Aalisin niya ang balahibo't bituka ng ibon at ihahagis sa tapunan ng abo, sa gawing silangan ng altar.
17 Bibiyakin niya ang katawan nito ngunit hindi paghihiwalayin. Pagkatapos, susunugin niya ito sa altar bilang handog upang ang usok nito'y maging mabangong samyo sa akin.”