4 Ipapatong niya sa ulo ng hayop ang kanyang kamay at iyo'y tatanggapin bilang pantubos sa kanyang kasalanan.
5 Pagkatapos, papatayin niya ito sa harapan ko at ang dugo'y ibubuhos ng mga paring mula sa angkan ni Aaron sa palibot ng altar, sa may pintuan ng Toldang Tipanan.
6 Babalatan niya ang hayop saka kakatayin.
7 Ang mga pari nama'y maglalagay ng baga sa altar at iaayos sa ibabaw nito ang kahoy na panggatong.
8 Ihahanay nila nang maayos sa ibabaw ng apoy ang mga pira-pirasong karne, kasama ang ulo at taba.
9 Ngunit dapat muna nilang hugasan ang laman-loob at ang mga paa bago ilagay sa altar. Pagkatapos, ang lahat ng ito'y sama-samang susunugin bilang handog, upang ang usok nito'y maging mabangong samyo sa akin.
10 “Kung tupa o kambing ang ihahandog, kailangang ito'y lalaki rin at walang kapintasan.