6 Babalatan niya ang hayop saka kakatayin.
7 Ang mga pari nama'y maglalagay ng baga sa altar at iaayos sa ibabaw nito ang kahoy na panggatong.
8 Ihahanay nila nang maayos sa ibabaw ng apoy ang mga pira-pirasong karne, kasama ang ulo at taba.
9 Ngunit dapat muna nilang hugasan ang laman-loob at ang mga paa bago ilagay sa altar. Pagkatapos, ang lahat ng ito'y sama-samang susunugin bilang handog, upang ang usok nito'y maging mabangong samyo sa akin.
10 “Kung tupa o kambing ang ihahandog, kailangang ito'y lalaki rin at walang kapintasan.
11 Papatayin ito ng naghahandog sa harapan ni Yahweh sa gawing hilaga ng altar at ang dugo'y ibubuhos ng mga pari sa paligid ng altar.
12 Kakatayin niya ito at ihahanay ng pari sa ibabaw ng apoy sa altar ang mga piraso ng karne kasama ang ulo at taba.