1 Sinabi pa ni Yahweh kay Moises,
2 “Ito ang sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ako si Yahweh ang inyong Diyos.
3 Huwag ninyong gagayahin ang mga kaugalian sa Egipto na inyong pinanggalingan o ang mga kaugalian sa Canaan na pagdadalhan ko sa inyo.
4 Ang sundin ninyo'y ang mga kautusan at tuntuning ibinigay ko sa inyo. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.
5 Ang sinumang tutupad ng aking mga kautusan at tuntunin ay mabubuhay; ako si Yahweh.’
6 “Huwag kayong makipagtalik sa malapit na kamag-anak. Ako si Yahweh.
7 Huwag kayong makipagtalik sa inyong ina, iyan ay kahihiyan sa inyong ama. Hindi ninyo dapat halayin ang inyong ina.