11 Huwag kayong makipagtalik sa anak ng inyong ama sa ibang babae, sapagkat siya'y kapatid din ninyo.
12 Huwag kayong makipagtalik sa kapatid na babae ng inyong ama, siya'y kadugo ng inyong ama.
13 Huwag kayong makipagtalik sa kapatid na babae ng inyong ina, siya'y kadugo ng inyong ina.
14 Huwag kayong makipagtalik sa asawa ng inyong tiyo, tiya mo na rin siya.
15 Huwag kayong makipagtalik sa inyong manugang na babae; siya'y asawa ng inyong anak na lalaki. Hindi ninyo dapat ilagay sa kahihiyan ang inyong sariling anak.
16 Huwag kayong makipagtalik sa inyong hipag; taglay niya ang kapurihan ng inyong kapatid.
17 Huwag kayong makipagtalik sa anak o sa apong babae ng isang babaing nakatalik ninyo noon. Maaaring ang mga iyon ay kamag-anak ninyo, at iyan ay kahalayan.