1 Sinabi pa ni Yahweh kay Moises nang sila'y nasa Bundok ng Sinai,
2 “Sabihin mo sa mga Israelita na pagpasok nila sa lupaing ibinigay ko sa inyo, pati ang lupain ay pagpapahingahin tuwing ikapitong taon upang parangalan si Yahweh.
3 Anim na taon ninyong tatamnan ang inyong bukirin at aalagaan ang mga ubasan.
4 Ang ikapitong taon ay taon ng lubos na pamamahinga ng lupain, isang taóng nakatalaga para kay Yahweh. Huwag ninyong tatamnan sa taóng iyon ang inyong bukirin