48 siya ay may karapatang lumaya. Maaari siyang tubusin ng kanyang kapatid,
49 amain, pinsan, kamag-anak o siya mismo kung kaya na niya.
50 Ang halaga ng pagkabili sa kanya ay kukuwentahin mula nang bilhin siya hanggang sa Taon ng Paglaya, at ang itutubos sa kanya ay katumbas ng sweldo ng isang manggagawa.
51 Kung matagal pa ang Taon ng Paglaya, malaki ang pagbabayaran ng tutubos.
52 Ngunit maliit lamang kung malapit na ang panahong iyon, sapagkat ang itutubos sa kanya ay batay sa dami ng taon na dapat pa niyang ipaglingkod.
53 Ituturing siyang bayarang manggagawa sa panahon ng kanyang paglilingkod ngunit hindi siya maaaring pagmalupitan.
54 Kung hindi siya matubos sa mga paraang nabanggit, siya at ang mga anak niya ay palalayain pagsapit ng Taon ng Paglaya,