19 Kanyang susunugin sa altar ang lahat ng taba
20 tulad ng ginagawa sa taba ng torong inihandog para sa kapatawaran ng kasalanan. Ito ang gagawin ng pari upang mapatawad ang buong sambayanan.
21 Pagkatapos, ilalabas sa kampo ang torong pinatay at susunugin din sa lugar na pinagdalhan sa unang toro. Ito ang handog para sa kasalanan ng sambayanan.
22 “Kung isang pinuno ang nagkasala nang di sinasadya dahil nakagawa siya ng isang bagay na ipinagbabawal ni Yahweh na kanyang Diyos,
23 sa oras na malaman niya ito ay maghahandog siya ng isang lalaking kambing na walang kapintasan.
24 Ipapatong niya sa ulo ng kambing ang kanyang kamay at papatayin niya ito sa harapan ni Yahweh, sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin para sa kasalanan.
25 Kukuha ng dugo ang pari at sa pamamagitan ng kanyang daliri, papahiran niya ang mga sungay ng altar ng sunugan ng mga handog. Ang natirang dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng altar.