7 Lalagyan din niya ng dugo ang mga sungay ng altar ng insensong nasa harapan ni Yahweh sa Dakong Banal. Ang natirang dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng altar na sunugan ng mga handog sa harap ng Toldang Tipanan.
8 Ang lahat ng taba nito ay kukunin, pati ang tabang bumabalot sa laman-loob.
9 Kukunin din ang dalawang bato, ang taba ng balakang at ang tabang bumabalot sa atay.
10 Ibubukod ito gaya ng ginagawa sa taba ng torong handog pangkapayapaan, saka dadalhin sa altar at susunugin ng pari.
11 Ngunit ang balat ng toro at lahat ng laman nito, ulo't mga hita, at mga laman-loob, kasama ang dumi
12 ay dadalhin lahat sa labas ng kampo at susunugin sa isang malinis na lugar na pinagtatapunan ng abo.
13 “Kung ang buong kapulungan ng Israel ay magkasala nang di sinasadya at makagawa sila nang labag sa Kautusan nang di nila nalalaman,