12 Ngunit kahit sila'y bihisan ng magagarang damit na kulay ube na tulad ng mga hari, kinakain pa rin sila ng bukbok at kalawang.
13 Napupuno rin sila ng alikabok sa templo at kailangang may magpunas ng kanilang mukha.
14 May hawak rin silang setro gaya ng mga hukom, ngunit wala namang kapangyarihang humatol sa mga humahamak sa kanila.
15 Mayroon pang may hawak na palakol at punyal, ngunit hindi naman maipagtanggol ang sarili para hindi masira sa digmaan o madala ng magnanakaw.
16 Nangangahulugan lamang ang mga ito na hindi sila diyos. Kaya, huwag ninyo silang sambahin.
17 Hindi naiiba sa isang sirang pinggan na wala nang pakinabang ang mga diyus-diyosang iyon na nakalagay sa kanilang mga templo. Ang mga mata nila'y puno ng alikabok na dala ng mga paa ng mga taong pumapasok doon.
18 Ikinakandado ng mga pari ang mga pintuan ng templo upang hindi mapasok ng magnanakaw. Kaya't nakakulong ang mga diyus-diyosan na parang mga bilanggong nakatakdang patayin dahil sa pagtataksil sa hari.