22 Dinadapuan sila ng mga paniki, ng mga layang-layang at ng iba pang mga ibon, at inuupuan ng pusa.
23 Ang lahat ng ito ay nangangahulugang sila'y hindi diyos. Kaya, huwag ninyo silang sambahin.
24 Ang mga diyus-diyosang iyon ay balot nga ng lantay na ginto para gumanda, ngunit kung hindi kukuskusin ay hindi kikinang. Hindi nila naramdaman nang sila'y tunawin at buuin.
25 Napakalaking halaga ang ibinayad sa kanila ngunit wala naman silang hininga.
26 Mayroon nga silang paa, ngunit hindi naman makalakad. Kailangan pang sila'y buhatin at pasanin ng tao. Talagang wala silang kabuluhan.
27 Kahit ang mga nag-aasikaso sa kanila ay napapahiya dahil kapag bumagsak ang mga iyon ay hindi makatayong mag-isa. At kung may magtayo naman, hindi makakilos ang mga iyon. At kung tumagilid ay hindi na maiayos ang kanilang sarili. Ang pag-aalay sa kanila ng handog ay parang pagbibigay ng handog sa mga patay.
28 Ibinibenta ng mga pari ang mga handog sa mga diyus-diyosang iyon at ginugugol para sa kanilang sarili ang pinagbilhan. Ang iba naman ay iniimbak ng mga asawa ng mga pari, sa halip na ipamahagi sa mahihirap.