38 Hindi sila maaawa sa biyuda at wala silang malasakit sa mga ulila.
39 Ang mga diyus-diyosang iyon na yari sa kahoy at binalot ng ginto at pilak ay walang iniwan sa batong galing sa bundok. Mapapahiya lamang ang mga sumasamba sa kanila.
40 Paano nga sila maituturing o matatawag na diyos?Sa ginagawa ng mga taga-Babilonia, ipinapahiya nila ang kanilang mga diyus-diyosan.
41 Halimbawa, dinadala nila sa templo ni Bel ang isang pipi upang idalanging makapagsalita na para bang si Bel ay nakakaunawa.
42 Kahit alam nilang hindi makakatulong ang kanilang mga diyus-diyosan, sinasamba pa rin nila ang mga ito dahil sa kanilang kahangalan.
43 May mga babaing nakahanay sa tabing daan, may taling kurdon at nagsusunog ng ipa kapalit ng insenso, at inihahandog nila ang kanilang sarili bilang babaing nagbebenta ng panandaliang aliw. Kapag may lalaking pumili sa kanya, ipinagmamalaki niya ito at kinakantyawan ang mga kasama na ang mga ito'y hindi kaakit-akit na tulad niya, kaya walang kumuha sa kanila.
44 Lahat ng may kinalaman sa mga diyus-diyosang ito ay pandaraya at kahibangan. Paano sila maituturing o matatawag na diyos?