41 Halimbawa, dinadala nila sa templo ni Bel ang isang pipi upang idalanging makapagsalita na para bang si Bel ay nakakaunawa.
42 Kahit alam nilang hindi makakatulong ang kanilang mga diyus-diyosan, sinasamba pa rin nila ang mga ito dahil sa kanilang kahangalan.
43 May mga babaing nakahanay sa tabing daan, may taling kurdon at nagsusunog ng ipa kapalit ng insenso, at inihahandog nila ang kanilang sarili bilang babaing nagbebenta ng panandaliang aliw. Kapag may lalaking pumili sa kanya, ipinagmamalaki niya ito at kinakantyawan ang mga kasama na ang mga ito'y hindi kaakit-akit na tulad niya, kaya walang kumuha sa kanila.
44 Lahat ng may kinalaman sa mga diyus-diyosang ito ay pandaraya at kahibangan. Paano sila maituturing o matatawag na diyos?
45 Likha lamang sila ng mga karpintero at panday. Kung ano lamang ang nais palabasing hugis ng mga ito ay siyang mangyayari.
46 Kahit na ang mga may gawa sa kanila ay hindi mabubuhay nang matagal. Paano magiging diyos ang kanilang ginawa?
47 Ang iiwan ng mga taong iyon sa mga susunod na salinlahi ay pawang pandaraya at kahihiyan.