57 Ang mga diyus-diyosang iyon na yari sa kahoy at binalot ng ginto at pilak ay hindi makakatutol sa mga magnanakaw at tulisan.
58 Wala silang magagawa kunin man ng mga ito ang kanilang ginto, pilak at mga kasuotan.
59 Mas mabuti pa sa mga diyus-diyosang iyon ang isang haring matapang, o ang isang kapaki-pakinabang na gamit sa tahanan. Mas mabuti pa kaysa kanila ang pinto ng isang bahay na nakapinid upang hindi manakaw ang laman niyon. Mas mabuti pa ang isang haliging kahoy sa bahay ng hari kaysa mga diyus-diyosang ito.
60 Nilikha ng Diyos ang araw, ang buwan at ang mga bituin upang magbigay ng liwanag, siya'y sinusunod nila.
61 Gayon din ang kidlat at ang hangin. Ang kislap ng kidlat ay abot sa magkabilang dulo ng langit. Ang hangin ay umiihip sa lahat ng dako.
62 Kapag inutusan ng Diyos ang ulap na mangalat sa daigdig, ito ay sumusunod rin.
63 Kapag inutusan ng Diyos ang apoy na bumabâ mula sa langit upang tupukin ang mga bundok at kagubatan, sumusunod agad ito. Ngunit hindi magagawa ng mga diyus-diyosan ang alinman sa mga iyon. Ni hindi nila iyon magagaya.