7 Sasamahan kayo ng aking anghel at kayo'y iingatan niya.
8 Ang mga diyus-diyosan nila ay balot ng ginto at pilak at may dilang hinugis ng mag-uukit. Ngunit hindi sila makapagsalita sapagkat sila'y hindi tunay na diyos.
9 Iginagawa at pinuputungan sila ng mga tao ng koronang ginto na parang babaing mahilig sa alahas.
10 Kung minsan, ang ginto't pilak na handog sa kanila'y kinukuha ng mga pari at ginugugol para sa kanilang sarili.
11 Kung minsan ay ibinabayad pa sa mga babaing nagbibigay ng panandaliang aliw sa templo. Ang mga diyus-diyosang iyon na yari sa kahoy, ginto at pilak ay binibihisang parang tao.
12 Ngunit kahit sila'y bihisan ng magagarang damit na kulay ube na tulad ng mga hari, kinakain pa rin sila ng bukbok at kalawang.
13 Napupuno rin sila ng alikabok sa templo at kailangang may magpunas ng kanilang mukha.