15 Naparam ang kagalakan sa aming puso;ang aming pagsasaya ay naging pagluluksa.
16 Walang natira sa aming ipinagmamalaki;“tayo'y nagkasala kaya tayo'y nagdurusa!”
17 Nanlupaypay kami,at nagdilim ang aming paningin,
18 pagkat iniwan ng tao ang Bundok ng Zion,mga asong-gubat na lang ang naninirahan doon.
19 Ngunit ikaw, O Yahweh, ang hari magpakailanman,ang iyong luklukan ay walang katapusan.
20 Kay tagal mo kaming pinabayaan.Kailan mo kami aalalahaning muli?
21 Ibalik mo kami, O Yahweh,sa dati naming kaugnayan sa iyo!