3 Ang aming mga ama'y pinatay ng mga kaaway;kaya't aming mga ina, wala nang kaagapay.
4 Kailangang bayaran namin ang tubig na iinumin,pati ang panggatong ay binibili na rin.
5 Pinagtrabaho kaming parang mga hayop,hindi man lamang pinagpapahinga.
6 Para lang magkaroon ng sapat na pagkain,nakipagkasundo kami sa Egipto at Asiria.
7 Nagkasala nga ang aming mga ninuno,at dahil sa kanila kami ay nagdurusa.
8 Mga alipin ang namamahala sa amin;walang makapagligtas sa amin mula sa kanilang mga kamay.
9 Sa paghahanap ng pagkain, nanganganib ang aming buhay,sapagkat naglipana ang aming mga kaaway.