4 Kailangang bayaran namin ang tubig na iinumin,pati ang panggatong ay binibili na rin.
5 Pinagtrabaho kaming parang mga hayop,hindi man lamang pinagpapahinga.
6 Para lang magkaroon ng sapat na pagkain,nakipagkasundo kami sa Egipto at Asiria.
7 Nagkasala nga ang aming mga ninuno,at dahil sa kanila kami ay nagdurusa.
8 Mga alipin ang namamahala sa amin;walang makapagligtas sa amin mula sa kanilang mga kamay.
9 Sa paghahanap ng pagkain, nanganganib ang aming buhay,sapagkat naglipana ang aming mga kaaway.
10 Dahil sa matinding gutom, nag-aapoy ang aming katawan,para kaming nakalagay sa mainit na pugon.