6 Para lang magkaroon ng sapat na pagkain,nakipagkasundo kami sa Egipto at Asiria.
7 Nagkasala nga ang aming mga ninuno,at dahil sa kanila kami ay nagdurusa.
8 Mga alipin ang namamahala sa amin;walang makapagligtas sa amin mula sa kanilang mga kamay.
9 Sa paghahanap ng pagkain, nanganganib ang aming buhay,sapagkat naglipana ang aming mga kaaway.
10 Dahil sa matinding gutom, nag-aapoy ang aming katawan,para kaming nakalagay sa mainit na pugon.
11 Ang aming mga asawa ay ginahasa sa Zion,ang mga dalaga nama'y pinagsasamantalahan sa mga bayan ng Juda.
12 Ginagapos at ibinibitin ang mga pinuno;at ang matatanda ay hindi na nirespeto.