1-8 Ang unang lumagda sa kasunduan ay ang anak ni Hacalias na si Nehemias, ang gobernador. Pagkatapos ay si Zedekias at ang mga paring sina:Seraias, Azarias, Jeremias,Pashur, Amarias, Malquijas,Hatus, Sebanias, Maluc,Harim, Meremot, Obadias,Daniel, Gineton, Baruc,Mesulam, Abijas, Mijamin,Maazias, Bilga at Semaias.
9-13 Sumunod ang mga Levitang sina:Jeshua na anak ni Azanias,Binui na mula sa angkan ni Henadad,at sina Kadmiel, Sebanias,Hodias,Kelita, Pelaias, Hanan,Mica, Rehob, Hashabias,Zacur, Serebias, Sebanias,Hodias, Bani at Beninu.
14-27 Mula naman sa mga pinuno ng bayan, ang lumagda sina:Paros, Pahat-moab,Elam, Zatu, Bani,Buni, Azgad, Bebai,Adonijas, Bigvai, Adin,Ater, Hezekias, Azur,Hodias, Hasum, Bezai,Harif, Anatot, Nebai,Magpias, Mesulam, Hezir,Mesezabel, Zadok, Jadua,Pelatias, Hanan, Anaias,Hosea, Hananias, Hasub,Halohesh, Pilha, Sobek,Rehum, Hasabna, Maaseias,Ahias, Hanan, Anan,Maluc, Harim at Baana.
28 Kami, ang sambayanang Israel, ang mga pari, mga Levita, mga bantay-pintuan, mga mang-aawit at mga manggagawa sa Templo, at ang lahat ng iba pang lumayo sa mga dayuhang naninirahan sa aming lupain bilang pagsunod sa Kautusan ng Diyos, pati ang aming mga asawa at ang aming mga anak na lalaki at babae na pawang may sapat nang pag-iisip
29 ay nanunumpa kasama ng aming mga pinuno at nangangakong tutuparin ang buong Kautusan na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang lingkod na si Moises. Susundin namin ang lahat ng tuntunin at utos ng Diyos naming si Yahweh.
30 Hindi namin papayagang mag-asawa ang aming mga anak sa mga dayuhang naninirahan sa aming lupain.
31 Kung sila'y magtinda ng trigo o anumang paninda sa Araw ng Pamamahinga, hindi kami bibili sa kanila.Tuwing ika-7 taon, hindi namin tatamnan ang mga bukirin at hindi na namin sisingilin ang mga may utang sa amin.