1-7 Ito ang listahan ng mga pari at mga Levitang bumalik kasama ni Zerubabel na anak ni Sealtiel at ng pinakapunong paring si Josue.Ang mga pari ay sina:Sereias, Jeremias, Ezra,Amarias, Maluc, Hatus,Secanias, Rehum, Meremot,Ido, Ginetoi, Abijas,Mijamin, Maadias, Bilga,Semaias, Joiarib, Jedaias,Salu, Amok, Hilkias at Jedaias.Sila ang mga pinuno ng mga pari at ng kanilang mga angkan nang panahon ni Josue.
8 Ang mga Levita naman ay sina Jeshua, Binui, Kadmiel, Serebias, Juda at Matanias. Sila ang namahala sa pagkanta ng mga awit ng pasasalamat.
9 Ang bumubuo ng koro na umaawit ng mga sagutang pag-awit ay sina Bakbukuias, Uno at iba pang mga Levita na kasama nila.
10 Naging anak ni Josue si Joiakim na ama ni Eliasib. Naging anak naman ni Eliasib si Joiada,