5 Sapagka't hindi niya ipinasakop sa mga anghel ang sanglibutang darating, na siya naming isinasaysay.
6 Nguni't pinatunayan ng isa sa isang dako, na sinasabi, Ano ang tao, upang siya'y iyong alalahanin? O ang anak ng tao, upang siya'y iyong dalawin?
7 Siya'y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel; Siya'y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan, At siya'y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay:
8 Inilagay mo ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa. Sapagka't nang pasukuin niya ang lahat ng mga bagay sa kaniya, ay wala siyang iniwan na di sumuko sa kaniya. Nguni't ngayon ay hindi pa natin nakikitang sumuko sa kaniya ang lahat ng mga bagay.
9 Kundi nakikita natin ang ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawa't tao.
10 Sapagka't marapat sa kaniya na pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian na gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit.
11 Sapagka't ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang sa isa: na dahil dito'y hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid,