13 At naging anak ni Isai ang kaniyang panganay na si Eliab, at si Abinadab ang ikalawa, at si Sima ang ikatlo;
14 Si Nathanael ang ikaapat, si Radai ang ikalima;
15 Si Osem ang ikaanim, si David ang ikapito:
16 At ang kanilang mga kapatid na babae si Sarvia at si Abigail. At ang mga naging anak ni Sarvia; si Abisai, at si Joab, at si Asael, tatlo.
17 At ipinanganak ni Abigail si Amasa: at ang ama ni Amasa ay si Jether na Ismaelita.
18 At nagkaanak si Caleb na anak ni Hesron kay Azuba na asawa niya, at kay Jerioth: at ang mga ito ang kaniyang mga anak: si Jeser, at si Sobad, at si Ardon.
19 At namatay si Azuba, at nagasawa si Caleb kay Ephrata, na siyang nanganak kay Hur sa kaniya.