29 At ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail; at ipinanganak niya sa kaniya si Aban, at si Molib.
30 At ang mga anak ni Nadab: si Seled, at si Aphaim: nguni't si Seled ay namatay na walang anak.
31 At ang mga anak ni Aphaim: si Isi. At ang mga anak ni Isi; si Sesan. At ang mga anak ni Sesan: si Alai.
32 At ang mga anak ni Jada, na kapatid ni Sammai: si Jether, at si Jonathan: at si Jether ay namatay na walang anak.
33 At ang mga anak ni Jonathan: si Peleth, at si Zaza. Ito ang mga anak ni Jerameel.
34 Si Sesan nga ay hindi nagkaanak ng mga lalake, kundi mga babae. At si Sesan ay may isang alipin na taga Egipto, na ang pangalan ay Jarha.
35 At pinapagasawa ni Sesan ang kaniyang anak na babae kay Jarha na kaniyang alipin at ipinanganak niya si Athai sa kaniya.