9 At naging anak ni Achimaas si Azarias, at naging anak ni Azarias si Johanan;
10 At naging anak ni Johanan si Azarias (na siyang pangulong saserdote sa bahay na itinayo ni Salomon sa Jerusalem:)
11 At naging anak ni Azarias si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob;
12 At naging anak ni Achitob si Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Sallum;
13 At naging anak ni Sallum si Hilcias, at naging anak ni Hilcias si Azarias;
14 At naging anak ni Azarias si Seraiah, at naging anak ni Seraiah si Josadec;
15 At si Josadec ay nabihag nang dalhing bihag ng Panginoon ang Juda at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Nabucodonosor.