33 Inilayo muna ni Jesus ang lalaki sa mga tao. Pagkatapos, ipinasok niya ang kanyang mga daliri sa mga tainga ng lalaki, saka dinuraan ang kanyang mga daliri at hinipo ang dila nito.
34 Tumingala si Jesus sa langit, nagbuntong-hininga, at sinabi sa lalaki, “Effata!” na ang ibig sabihin, “Mabuksan ka!”
35 Pagkatapos nito, nakarinig na ang lalaki at nakapagsalita nang maayos.
36 Pinagbilinan niya ang mga tao na huwag ipamalita ang nangyari. Pero kahit pinagbawalan sila, lalo pa nila itong ipinamalita.
37 Manghang-mangha ang mga tao, at sinabi nila, “Napakagaling ng ginawa niya! Kahit mga pipiʼt bingi ay nagagawa niyang pagalingin!”