2 Tinanong niya ako, “Amos, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Isang basket po ng mga hinog na prutas.” Sinabi sa akin ng Panginoon, “Dumating na ang katapusan ng mga mamamayan kong Israelita. Hindi ko na sila kaaawaan.
3 Sa araw na iyon, ang masasayang awitan sa templo ay magiging iyakan dahil kakalat ang patay kahit saan. At wala nang maririnig na ingay. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”
4 Makinig kayo, kayong mga nanggigipit sa mga mahihirap at nagtatangkang lipulin sila.
5 Inip na inip kayong matapos ang Pista ng Pagsisimula ng Buwan o Araw ng Pamamahinga para makapagbenta na kayo ng mga inaning butil at makapandaya sa mga mamimili sa pamamagitan ng inyong madayang timbangan at pantakal ng trigo.
6 Nagmamadali kayong makapagbenta ng mga butil na hinaluan ng ipa, para makabili kayo ng taong dukha na ipinagbibiling alipin dahil hindi siya makabayad ng kanyang utang, kahit ang utang niya ay kasinghalaga lamang ng isang pares ng sandalyas.
7 Kaya sumumpa ang Panginoon, ang Dios na ipinagmamalaki ng mga lahi ni Jacob, “Hindi ko makakalimutan ang lahat ng kasamaan na ginawa ninyo.
8 Dahil dito, palilindulin ko ang inyong lupain at mag-iiyakan kayo. Yayanigin ko nang husto ang inyong lupain na tulad ng Ilog na tumataas kapag may baha at bumababa tulad ng Ilog ng Nilo sa Egipto.