9 Bumalik si Hatak kay Ester at sinabi ang lahat ng sinabi ni Mordecai.
10 Pinabalik muli ni Ester si Hatak kay Mordecai at ipinasabi ang ganito.
11 “Alam ng lahat sa buong kaharian na ang sinumang lalapit sa hari sa loob ng kanyang bulwagan, lalaki man o babae na hindi ipinapatawag ay papatayin, maliban na lang kung ituturo ng hari ang kanyang gintong setro sa taong ito. At isang buwan na akong hindi ipinapatawag ng hari.”
12 Pagkatapos na masabi kay Mordecai ang ipinapasabi ni Ester,
13 ito naman ang ipinasabi niya kay Ester, “Huwag mong isiping ikaw lang sa lahat ng Judio ang makakaligtas dahil sa palasyo ka nakatira.
14 Sapagkat kahit na manahimik ka sa panahong ito, may ibang tutulong at magliligtas sa mga Judio, pero ikaw at ang mga kamag-anak mo ay mamamatay. Baka nga kaya ka ginawang reyna ay para mailigtas mo ang kapwa mo mga Judio.”
15 Ito naman ang ipinasabi ni Ester kay Mordecai,