1 Ito ang sinabi ng mangangaral na anak ni David na hari ng Jerusalem:
2 Walang kabuluhan! Walang kabuluhan ang lahat!
3 Ano ang pakinabang ng tao sa pagpapakahirap niyang magtrabaho sa mundong ito?
4 Lumilipas ang isang henerasyon at napapalitan, pero ang mundo ay hindi nagbabago.
5 Sumisikat ang araw at pagkatapos ay lumulubog; pabalik-balik lang sa kanyang pinanggalingan.
6 Umiihip ang hangin sa timog at pagkatapos ay iihip naman sa hilaga. Paikot-ikot lang ito at pabalik-balik.
7 Lahat ng ilog ay umaagos sa dagat, pero hindi naman napupuno ang dagat kahit na patuloy ang pag-agos ng ilog.