1 Nang panahong iyon, ang mga pinuno ng mga mamamayan ng Israel ay nakatira sa Jerusalem, ang banal na lungsod. Nagpalabunutan ang mga tao para sa bawat sampung pamilya ay may isang pamilyang maninirahan sa Jerusalem, habang ang ibaʼy mananatili sa mga bayan nila.
2 Pinuri ng mga tao ang lahat ng nagpasyang tumira sa Jerusalem.
3-4 Ang ibang Israelita, pati mga pari, mga Levita, mga utusan sa templo, at ang mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay patuloy na nakatira sa kanilang sariling mga lupain sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda. Ang ibang mga mamamayan ng Juda at Benjamin ay nakatira sa Jerusalem.Ito ang mga pinuno ng mga probinsya ng Juda at Benjamin na nakatira sa Jerusalem.Mula sa lahi ni Juda:Si Ataya na anak ni Uzia. (Si Uzia ay anak ni Zacarias. Si Zacarias ay anak ni Amaria. Si Amaria ay anak ni Shefatia. At si Shefatia ay anak ni Mahalalel na mula sa angkan ni Perez.)
5 Si Maaseya na anak ni Baruc. (Si Baruc ay anak ni Col Hoze. Si Col Hoze ay anak ni Hazaya. Si Hazaya ay anak ni Adaya. Si Adaya ay anak ni Joyarib. At si Joyarib ay anak ni Zacarias na mula sa angkan ni Shela.)
6 (Sa mga angkan ni Perez, 468 matatapang na lalaki na nakatira rin sa Jerusalem.)
7 Mula sa lahi ni Benjamin:Si Salu na anak ni Meshulam (si Meshulam ay anak ni Joed; si Joed ay anak ni Pedaya; si Pedaya ay anak ni Kolaya; si Kolaya ay anak ni Maaseya; si Maaseya ay anak ni Itiel; at si Itiel ay anak ni Jeshaya);
8 ang sumunod kay Salu ay sina Gabai at Salai, at ang 928 kamag-anak nila.
9 Si Joel na anak ni Zicri ang pinakapinuno nila at ang ikalawa sa kanya ay si Juda na anak ni Hasenua.
10 Mula sa mga Pari:Si Jedaya na anak ni Joyarib, si Jakin,
11 at si Seraya na anak ni Hilkia (Si Hilkia ay anak ni Meshulam, Si Meshulam ay anak ni Zadok, si Zadok ay anak ni Merayot. At si Merayot ay anak ni Ahitub na namamahala sa templo ng Dios);
12 ang 822 lalaking kasama nilang nagpapagal sa templo:Si Adaya na anak ni Jeroham. (Si Jeroham ay anak ni Pelalia. Si Pelalia ay anak ni Amzi. Si Amzi ay anak ni Zacarias. Si Zacarias ay anak ni Pashur. At si Pashur ay anak ni Malkia);
13 ang mga kasama ni Adaya na 242 lalaki na mga pinuno ng mga pamilya:Si Amasai ay anak ni Azarel. (Si Azarel ay anak ni Azai. Si Azai ay anak ni Meshilemot. At si Meshilemot ay anak ni Imer);
14 ang mga kasama ni Amasai na 128 matatapang na lalaki:Si Zabdiel na anak ni Hagedolim ang pinakapinuno nila.
15 Mula sa mga Levita:Si Shemaya na anak ni Hashub. (Si Hashub ay anak ni Azrikam; si Azrikam ay anak ni Hashabia; at si Hashabia ay anak ni Buni.)
16 Si Shabetai at si Jozabad na dalawang pinuno ng mga Levita. Sila ang mga katiwalang namamahala sa mga gawain sa labas ng templo.
17 Si Matania ay anak ni Mica. (Si Mica ay anak ni Zabdi at si Zabdi ay anak ni Asaf.) Si Matania ang nangunguna sa mga mang-aawit na umaawit ng pananalangin at pasasalamat.Si Bakbukia na kasama ni Matania.Si Abda na anak ni Shamua. (Si Shamua ay anak ni Galal, at si Galal ay anak ni Jedutun.)
18 May 248 lahat ang mga Levita na nakatira sa Jerusalem, ang banal na lungsod.
19 Mula sa mga guwardya ng mga pintuan ng templo:Si Akub at si Talmon, at ang mga kasama nilang 172 lalaking guwardya ng pintuan ng templo.
20 Ang ibang mga Israelita, pati mga pari at mga Levita ay nakatira sa mga lupaing minana nila sa kanilang mga ninuno sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda.
21 Ngunit ang mga utusan sa templo na pinangungunahan nina Ziha at Gishpa ay doon tumira sa bulubundukin ng Ofel.
22 Ang pinakapinuno ng mga Levita sa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani (si Bani ay anak ni Hashabia; si Hashabia ay anak ni Matania; at si Matania ay anak ni Mica). Si Uzi ay isa sa mga angkan ni Asaf, na mang-aawit sa templo ng Dios.
23 Ang hari ang nag-uutos sa kanila tungkol sa mga gagawin nila sa bawat araw.
24 Si Petahia na anak ni Meshezabel, na isa sa mga angkan ni Zera na anak ni Juda, ang kinatawan ng bayan ng Israel sa hari ng Persia.
25 Ang ibang mga mamamayan ng Juda ay nakatira sa mga bayan na malapit sa mga lupain nila. Ang iba sa kanila ay nakatira sa Kiriat Arba, Dibon, Jekabzeel, at sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito.
26 Ang iba sa kanila ay nakatira sa Jeshua, Molada, Bet Pelet,
27 Hazar Shual, Beersheba, at sa mga baryo sa palibot nito.
28 Mayroon ding nakatira sa kanila sa Ziklag, sa Mecona, at sa mga baryo sa paligid nito,
29 sa En Rimon, Zora, Jarmut,
30 Zanoa, Adulam, at sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito. Ang iba pa sa kanila ay nakatira sa Lakish at sa malalapit na mga sakahan, at sa Azeka at sa mga baryo sa paligid nito. Kaya nakatira ang tao sa Juda mula sa Beersheba hanggang sa Lambak ng Ben Hinom.
31 Ang ibang mga mamamayan ng Benjamin ay nakatira sa Geba, Micmash, Aya, Betel, at sa mga baryo sa paligid nito.
32 Ang iba sa kanila ay nakatira sa Anatot, Nob, Anania,
33 Hazor, Rama, Gitaim,
34 Hadid, Zeboim, Nebalat,
35 Lod, Ono, at sa Lambak ng mga Manggagawa.
36 Ang iba pang mga Levita na nakatira sa Juda ay pinatira kasama ng mga mamamayan ng Benjamin.