1 Nang panahong iyon, ang mga pinuno ng mga mamamayan ng Israel ay nakatira sa Jerusalem, ang banal na lungsod. Nagpalabunutan ang mga tao para sa bawat sampung pamilya ay may isang pamilyang maninirahan sa Jerusalem, habang ang ibaʼy mananatili sa mga bayan nila.
2 Pinuri ng mga tao ang lahat ng nagpasyang tumira sa Jerusalem.
3-4 Ang ibang Israelita, pati mga pari, mga Levita, mga utusan sa templo, at ang mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay patuloy na nakatira sa kanilang sariling mga lupain sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda. Ang ibang mga mamamayan ng Juda at Benjamin ay nakatira sa Jerusalem.Ito ang mga pinuno ng mga probinsya ng Juda at Benjamin na nakatira sa Jerusalem.Mula sa lahi ni Juda:Si Ataya na anak ni Uzia. (Si Uzia ay anak ni Zacarias. Si Zacarias ay anak ni Amaria. Si Amaria ay anak ni Shefatia. At si Shefatia ay anak ni Mahalalel na mula sa angkan ni Perez.)
5 Si Maaseya na anak ni Baruc. (Si Baruc ay anak ni Col Hoze. Si Col Hoze ay anak ni Hazaya. Si Hazaya ay anak ni Adaya. Si Adaya ay anak ni Joyarib. At si Joyarib ay anak ni Zacarias na mula sa angkan ni Shela.)